Kahapon binilhan ko si Mama ng relo. Christmas gift. Dapat talaga e regalo ko yun sa birthday nya sa March, e nadulas ako at nasabi sa kanya. Ang gusto ko sana ay relo sa UniSilver kaso sabi nya ung mura na lang daw kaya tumingin kame sa Isettan Carriedo ng sale na relo. Nakapili na sya at ok lang naman ang presyo. Edi medyo ok saken kase madami pang natira dun sa ipon ko para sa relo nya.
Tapos umakyat na kame sa area na pambabae. Mga damit, sapatos, bag at accessories. Binilhan nya ko ng dalawang blouse at belt. Tapos pinakain nya pa ko. Nung kwinenta ko sa isip ko. Mas mahal pa yung ginastos nya saken kesa sa binigay ko sa kanya. E wala namang dahilang para bilhan nya ko. Madami pa kong damit, may pagkain naman sa bahay, hindi ko naman talaga kailangan ng belt pamporma lang kumbaga. Pero wala akong nakitang alinlangan at panghihinayang sa pera nung binili nya yun.
Yung bigay ko sa kanya para sa espesyal na okasyon e katumbas lang ng mga bagay na binibili lang nya saken madalas. Tapos yung relo eh pinagmamalaki pa nya sa mga kapatid nya, na niregaluhan ko daw sya ng relo. Samantalang ako, kapag suot ko yung mga bigay nya ni wala akong pakialam kung san nanggaling.
Karamihan naman satin e palaging sinasabi na dabest ang mga nanay natin. NO DOUBT. Sila na talaga. At hinding hindi ko ipagpapalit ang Mama ko sa kahit ano at kahit na sino.
PS. Sa birthday mo, pipilitin kong bigyan ka ng isang box ng chocolates. Tapos hindi kita hahatian. :)
-CL