Thursday, March 22, 2012

Himig Kawayan again

Nung 3rd year high school ako may sinalihan ako na isang organization sa school namin. Himig Kawayan ang pangalan ng grupo. Ito yung mga studyante na tumutugtog ng mga intrumentong gawa sa kawayan. Tulad ng:
Angklung

Eto yung tinutugtog ko. Bawat isang nota ay nirerepresent ng isang angklung instrument.










Marimba
.
Eto naman wooden xylophone ang tawag namin. ;)







Meron pang isa boomboom ang tawag namin don. Hinihipan sya at katulad din ng angklung, isang ganon ay isang nota.

Palagi kaming tumutugtog dati nun. Kapag may darating na bisita, may mga seminars, mga program sa school at kahit mga quiz bee ay kami ang intermission number. Pero syempre, gumraduate din kami at natigil na sa pagtugtog.

Hanggang sa mabalitaan namin na may pakulo na concert ang Villamor at pinatutugtog ang mga alumni sa concert na yun. Sobrang nakaka excite kasi ang tagal na naming hindi nakakatugtog. At ako personally, excited ako kasi ang kasama kong tutugtog ay ang batch na ahead samin ng isang taon, batch nila Kuya, ang batch na para sa akin ay ang mga pinakamagagaling tumugtog ng angklung.

Sa ngayon ay nagpapractice pa din kami para sa 2-day performance namin at SANA hindi pa ito ang last na pagtugtog namin. :)



FACT: Hindi ka tunay na Himig Kawayan member kung wala kang kodigo na sinusulat sa maliit na papel na ididikit mo sa instrumento mo, o sa likod ng nasa harapan mo (kung nasa 2nd row ka) o di kaya naman sa buong braso mo hanggang sa palad mo. ;)


-CL

My weakness

Bata pa lang ako, mahiyain na talaga ko. Takot akong humarap at makipag usap sa mga tao kahit kakilala ko na sila. Palagi lang akong nagtatago sa nanay ko. Hindi ko alam pero nauubusan ako ng sasabihin kapag kinakausap ako ng mga tao.

Ang pinaka weakness ko ay ang pagharap sa tao sa pormal na paraan. Kaya nung nalaman ko na may interview ang papasukan namin sa OJT. Ay, halos tumalon na yung puso ko sa sobrang kaba.

Maaga akong nagising nung araw na yun, pero hindi ako kumain. Actually hindi talaga ko makakain kase feeling ko isusuka ko yung mga kakainin ko sa sobrang kaba. Nasayang pa nga yung tinimplang milo para sakin ni mama kase hindi ko din nainom.

First time ko din magbyahe mag-isa nun papuntang Ayala. Karaniwan kase kasama ko ang mga kagroup ko sa OJT. Thankfully, hindi naman ako naligaw. Maaga kong nakarating kesa sa pinagusapan na oras. Mga 15mins. earlier, dahil na rin sa sabi ng mga kagrupo ko na hindi ka pa nila i eentertain hangga't di pa 9am nag KFC na lang muna ko at nakiupo doon (nag order na lang ako ng dalawang brownies para hindi masyadong nakakahiya). Pagpasok ko sa building, wala pala kong ballpen buti na lang mababait yung mga guard at pinahiram nila ako.

Eto na, interview na, grabe sobrang kabado ako ng mga oras yun. Buti na lang mabait si Mam Joana at kahit anong isagot mo sa kaniya e tatanggapin nya. Matapos ang mga lima o anim na tanong SAWAKAS natapos din ang interview, Sinabi nya sakin na wala pa daw branch na available kaya tatawag na lang daw sya ulit. Medyo na disappoint ako nun kase akala ko matatapos na ko ng araw na yun. Buti na lang pagbigay nya sakin ng envelope, pinapunta na nya ko sa branch ko. Nakahanap din naman pala sya.

Ang babait ng mga nasa Salcedo Branch ng RCBC. Yung mga guard at mga empleyado. Pati ung Branch Manager nila. Sabi ni Mam Jen sa kaniya daw ako ma uunder kapag nag OJT ako dun. Sana magkasundo kami. Mukha naman kasi syang mabait.

Pinaakyat ulit ako sa HR at dun binigay na ang timecard ko kasama ng guidelines at ilan pang mga instruction. Finally, masasabi kong hired na ako. Tapos na ang problema ko sa paghahanap ng mapapasukan ko sa OJT. At higit sa lahat, nakayanan ko ang interview. 

Finally

Sa wakas. Tapos na ang mga problema ko regarding my studies. Finals, OJT, class cards. LAHAT. 

Ang tanging problema ko na lang ay kung pano pagsasabayin ang enrollment at isang gawain na gustong gusto kong gawin.

Matapos ang dalawang linggo kong paghihirap at unti-unting pagkamatay, feeling ko bigla akong nabuhay. lalo pa't nabalitaan kong makakatugtog ang mga alumni ng Himig Kawayan sa concert ng Villamor.

Dapat talaga palagi lang tayong nananalig kay God at naniniwala sa sarili natin. Kaya natin lahat. :)


-CL