Saturday, June 23, 2012

A Happily Ever After

Nung una ko pa lang nakita yung commercial ng episode ng Maalaala Mo Kaya sa TV, naisip ko na talagang gusto kong mapanuod yun. Yun nga lang hanggang 9pm lang yung palabas. Medyo disappointed ako kasi 9pm din yung tapos ng klase ko, meaning hindi ko maaabutan yun kase babyahe pa ko pauwi. Buti na lang maaga kaming dinismiss ng prof namin, di ko sigurado kung nauto lang namin sya o tinatamad na din sya, at naabutan ko pa din kahit papano yung MMK.

Ang naabutan kong part e yung kinuhanan na ng picture yung lola para ipost sa Facebook. Alam kong patapos na yun pero pinanood ko pa din. Sobrang nakakabilib yung hindi pagsuko ni lola kahit na ilang beses na silang naloko sa text. Na kahit hindi sya sigurado sa mga natatanggap nyang information still, pinupuntahan pa din nya. Na kahit napapagod na sya, hindi sya mag aaksaya ng oras magpahinga para lang mapuntahan yung lugar na sinasabi ng texters. And it paid off, nakita nya pa din si lolo. At sobrang kinilig ako sa part na yun. Yung niyakap nya si lolo at umiiyak sya sa sobrang saya kasi nagkita na sila ulit.

Akala ko sa mga nobela, teleserye at kung anu-anong kwento lang nangyayari yung mga ganun. Bibihira na lang kasi ang mga love story na nagtatagal. Maraming gaguhan lang, landian lang, masabi lang na may boyfriend/girlfriend ka, para lang may bumili para sa'yo ng pagkain o magbuhat ng bag mo o tagasundo, o kaya naman chicks kase kaya mo niligawan.

Naalala ko pa dati sinamahan ko si Mama sa birthday ng kaibigan nya. Nag-uusap sila about marriage tapos nung may nagsabi na she got married at 27 sobra silang nag react. Kesyo napagiwanan na daw sya ng panahon blah blah. Napaisip ako, ganun na ba talaga ang trend ngayon? E ako nga balak kong magpakasal kapag 30 years old na ko e.

Dati, nagkwento sakin ng lovestory si Mama. Hindi kanila ni Papa kundi kay lolo at lola. Roman Catholic kasi ang lola ko, Aglipayano naman si lolo at dahil dun hindi boto yung pamilya ni lola kay lolo. Civil lang yung wedding nila, dahil dun hindi makapag communion yung lola ko tuwing magsisimba. Sabi ni mama nag plano daw sila na magpakasal sa simbahan pero hindi daw sumipot yung pari, hindi ko na alam ung details kung bakit. At pagkatapos nun, nahiya na daw humirit yung lola ko na magpakasal kaya hindi na talaga natuloy. Years after nagkaron ng cancer yung lola ko at sabi nila mama gustong gusto daw talaga ni lola na makapag communion bago, alam nyo na. Kaya nag organize sila ng wedding at dun sila mismo kinasal sa ospital. Saksi ang mga nurse at iba pang staff. Nag iiyakan daw yung mga tao sa ospital that moment. At kahit nauna ang lola ko sa lolo ko, at least natupad yung isa sa mga wish nya. At alam ko nung sumunod yung lolo ko, happily ever after pa din sila sa heaven.

Kapag may nagtatanong sakin kung bakit hanggang ngayon e hindi pa ko nagkaka boyfriend, palagi kong dialogue ang "masakit lang yun sa ulo". Totoo, ayoko pa pumasok sa isang relasyon dahil alam kong hindi ko pa kayang panindigan to sa ngayon. Na may iba pa kong priorities na mas mahalaga pa dun. Una, ang pag-aaral ko at pangalawa, ang pamilya ko. May posibilidad din na mauwi sa wala kung papasok man ako sa isang relasyon ngayon. At alam ko, balang araw, dadating din ang pagkakataong iyon sa oras na itinakda Niya. 

Hindi ko kailangang mainip. 

Hindi ako dapat magmadali. 

Dahil balang araw magkakaroon din ako ng sariling storya. 

Na may naghihintay para sa akin na happily ever after.

-CL

Wednesday, June 20, 2012

Tapos na ang pahinga

Maagang nagbubukas ang school year para sa akin. Maaga kasing nagre resume ng klase sa Pamantasan. Pero sa lahat halos naman ata ng unibersidad, petiks lang ang kaganapan sa unang linggo. Pero iba sa Pamantasan dahil tuwing Hunyo din ipinagdiriwang ang araw ng pagkakatatag nito. Kaya ang seryosong pag aaral ng mga iskolar ay pagkatapos ng Hunyo 19.

Kahapon. Natapos na ang tatlong araw ng pagdiriwang. Bukas. Balik nanaman sa pagseseryoso sa pag-aaral. 27 units ang kinuha ko ngayon semestre. Mga research paper, interview, project proposal, law subject, taxation subject, at higit sa lahat, thesis. Kung kaya ko, hindi ko alam, bahala na si Batman.

Huling taon ko na to sa Pamantasan kaya susulitin ko na to. Gusto ko mang matapos na ang paghihirap sa pag-aaral, mukhang hindi pa ko handang lisanin ang PLM. Excited man akong magtrabaho sa ngayon, alam kong mamimiss ko din ang pag-aaral. 

Tuloytuloy ang buhay at alam kong hindi ito titigil.

Goodluck sakin. Sana kayanin ko to. :)

-CL

Paalam

Hindi pa man nagsisimula ang ating storya, tatapusin ko na.

Dahil ako lang naman ang nag-isip na may uumpisahan tayong kwento.
Dahil ako lang naman ang nag-iisip sa hinaharap, kahit alam kong walang patutunguhan ito kundi pangarap.
Dahil ako lang naman ang nakadarama nito dahil alam ko namang pagkakaibigan lang ang maiaalay mo.
Dahil nararamdaman kong gusto mo siya at ganun din naman sya sa'yo, na kayo ang may pag-asa at hindi tayo.
Dahil sa alam ko na ang mangyayari kapag pinilit ko pa to.
Dahil unti-unti na kong kinakain ng selos ko, kahit wala naman akong karapatan.
Dahil alam ng nakakarami na kayo ang magkakatuluyan.
Dahil tadhana na ang gumagawa ng paraan para maghiwalay tayo.

Salamat sa pagpaparamdam kung pano ang magmahal.
Salamat sa pagpaparamdam kung pano ang masaktan.
Salamat sa pagpasok sa aking buhay.
Salamat sa pagpapakita na buhay pa pala ako at may karapatang makadama ng ganito.

Hindi ko man mapangako na kaya ko, pero pangako, pipilitin ko.


Pasensya na sa istorbo. Salamat. Paalam.