"That awkward moment when you have to make up an excuse to not hang out with someone because you'd rather chill at home."
TRUE, ilang beses ko na ginawa yan.
Pero ngayon sobrang namimiss ko yung mga kaibigan ko na tinatanggihan ko samahan dati. Gusto ko sila makasama ngayon din. Sobrang stressed out ako ngayon and I know yung mga kabaliwan lang namin ang makakapagpakalma sakin. I may sound selfish dahil hinahanap ko sila ngayong sobrang down ako, pero sila lang talaga ang makakatanggal ng stress ko.
Ang daming problema ngayon. Finals. OJT. Bigayan pa ng classcards next week. And sobrang crowded na ng utak ko. Lutang na lutang na ko. Sobrang ayoko na lang isipin yung mga bagay na yun.
At ang takbuhan ko, NOMADS. Kanina biglang nag PM saken yung isa kong friend. Nung una parang sa sobrang stress ko ayoko kumausap ng kahit na sino. Pero yung conversation na yun ang nagpalamig ng ulo ko. Sobrang gaan ng pakiramdam na nakausap ko sya. Bigla na lang parang wala na kong problema. Magaan sa pakiramdam.
At ngayon iniisip ko, magiging sobrang busy ako sa summer, i know yung iba din samen ganun. Sobrang mamimiss ko yung mga gala namin pag bakasyon. Promise, gagawa at gagawa ako ng paraan para makita kayo. :)
Sana matuloy yung outing namin. Ü
Sana matuloy yung outing namin. Ü
Eto nga pala ung konting part ng conversation namin:
Siya nga pala yung nakausap ko, meet ganda. :)
I SOOOO MISS THEM. I hope to see them SOON. #fingers crossed