Friday, October 19, 2012

Tanga

Alam ko mali pero bakit di ko mapigilan? Di ko matiis na gawin?
Gusto ko ng itigil pero ewan ko ba.
Ngayon naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng linyang "Tanga na kung tanga pero mahal kita".
Sana nga lang hindi pa umabot sa ganun to.
Sana panggulo lang to.
At sana kaya ko pang tigilan to.

Wednesday, July 4, 2012

Kung paninindigan na lang ang natitira sa'yo. Bibitawan mo pa ba, para lang ma please ang iba? Na wala namang pakialam kung ano mangyari sa'yo kapag wala silang kailangan?

Kahit kalaban mo ang buong mundo, magtira ka lang ng dignidad para sa sarili mo. Ikaw pa din ang panalo.

-CL

Saturday, June 23, 2012

A Happily Ever After

Nung una ko pa lang nakita yung commercial ng episode ng Maalaala Mo Kaya sa TV, naisip ko na talagang gusto kong mapanuod yun. Yun nga lang hanggang 9pm lang yung palabas. Medyo disappointed ako kasi 9pm din yung tapos ng klase ko, meaning hindi ko maaabutan yun kase babyahe pa ko pauwi. Buti na lang maaga kaming dinismiss ng prof namin, di ko sigurado kung nauto lang namin sya o tinatamad na din sya, at naabutan ko pa din kahit papano yung MMK.

Ang naabutan kong part e yung kinuhanan na ng picture yung lola para ipost sa Facebook. Alam kong patapos na yun pero pinanood ko pa din. Sobrang nakakabilib yung hindi pagsuko ni lola kahit na ilang beses na silang naloko sa text. Na kahit hindi sya sigurado sa mga natatanggap nyang information still, pinupuntahan pa din nya. Na kahit napapagod na sya, hindi sya mag aaksaya ng oras magpahinga para lang mapuntahan yung lugar na sinasabi ng texters. And it paid off, nakita nya pa din si lolo. At sobrang kinilig ako sa part na yun. Yung niyakap nya si lolo at umiiyak sya sa sobrang saya kasi nagkita na sila ulit.

Akala ko sa mga nobela, teleserye at kung anu-anong kwento lang nangyayari yung mga ganun. Bibihira na lang kasi ang mga love story na nagtatagal. Maraming gaguhan lang, landian lang, masabi lang na may boyfriend/girlfriend ka, para lang may bumili para sa'yo ng pagkain o magbuhat ng bag mo o tagasundo, o kaya naman chicks kase kaya mo niligawan.

Naalala ko pa dati sinamahan ko si Mama sa birthday ng kaibigan nya. Nag-uusap sila about marriage tapos nung may nagsabi na she got married at 27 sobra silang nag react. Kesyo napagiwanan na daw sya ng panahon blah blah. Napaisip ako, ganun na ba talaga ang trend ngayon? E ako nga balak kong magpakasal kapag 30 years old na ko e.

Dati, nagkwento sakin ng lovestory si Mama. Hindi kanila ni Papa kundi kay lolo at lola. Roman Catholic kasi ang lola ko, Aglipayano naman si lolo at dahil dun hindi boto yung pamilya ni lola kay lolo. Civil lang yung wedding nila, dahil dun hindi makapag communion yung lola ko tuwing magsisimba. Sabi ni mama nag plano daw sila na magpakasal sa simbahan pero hindi daw sumipot yung pari, hindi ko na alam ung details kung bakit. At pagkatapos nun, nahiya na daw humirit yung lola ko na magpakasal kaya hindi na talaga natuloy. Years after nagkaron ng cancer yung lola ko at sabi nila mama gustong gusto daw talaga ni lola na makapag communion bago, alam nyo na. Kaya nag organize sila ng wedding at dun sila mismo kinasal sa ospital. Saksi ang mga nurse at iba pang staff. Nag iiyakan daw yung mga tao sa ospital that moment. At kahit nauna ang lola ko sa lolo ko, at least natupad yung isa sa mga wish nya. At alam ko nung sumunod yung lolo ko, happily ever after pa din sila sa heaven.

Kapag may nagtatanong sakin kung bakit hanggang ngayon e hindi pa ko nagkaka boyfriend, palagi kong dialogue ang "masakit lang yun sa ulo". Totoo, ayoko pa pumasok sa isang relasyon dahil alam kong hindi ko pa kayang panindigan to sa ngayon. Na may iba pa kong priorities na mas mahalaga pa dun. Una, ang pag-aaral ko at pangalawa, ang pamilya ko. May posibilidad din na mauwi sa wala kung papasok man ako sa isang relasyon ngayon. At alam ko, balang araw, dadating din ang pagkakataong iyon sa oras na itinakda Niya. 

Hindi ko kailangang mainip. 

Hindi ako dapat magmadali. 

Dahil balang araw magkakaroon din ako ng sariling storya. 

Na may naghihintay para sa akin na happily ever after.

-CL

Wednesday, June 20, 2012

Tapos na ang pahinga

Maagang nagbubukas ang school year para sa akin. Maaga kasing nagre resume ng klase sa Pamantasan. Pero sa lahat halos naman ata ng unibersidad, petiks lang ang kaganapan sa unang linggo. Pero iba sa Pamantasan dahil tuwing Hunyo din ipinagdiriwang ang araw ng pagkakatatag nito. Kaya ang seryosong pag aaral ng mga iskolar ay pagkatapos ng Hunyo 19.

Kahapon. Natapos na ang tatlong araw ng pagdiriwang. Bukas. Balik nanaman sa pagseseryoso sa pag-aaral. 27 units ang kinuha ko ngayon semestre. Mga research paper, interview, project proposal, law subject, taxation subject, at higit sa lahat, thesis. Kung kaya ko, hindi ko alam, bahala na si Batman.

Huling taon ko na to sa Pamantasan kaya susulitin ko na to. Gusto ko mang matapos na ang paghihirap sa pag-aaral, mukhang hindi pa ko handang lisanin ang PLM. Excited man akong magtrabaho sa ngayon, alam kong mamimiss ko din ang pag-aaral. 

Tuloytuloy ang buhay at alam kong hindi ito titigil.

Goodluck sakin. Sana kayanin ko to. :)

-CL

Paalam

Hindi pa man nagsisimula ang ating storya, tatapusin ko na.

Dahil ako lang naman ang nag-isip na may uumpisahan tayong kwento.
Dahil ako lang naman ang nag-iisip sa hinaharap, kahit alam kong walang patutunguhan ito kundi pangarap.
Dahil ako lang naman ang nakadarama nito dahil alam ko namang pagkakaibigan lang ang maiaalay mo.
Dahil nararamdaman kong gusto mo siya at ganun din naman sya sa'yo, na kayo ang may pag-asa at hindi tayo.
Dahil sa alam ko na ang mangyayari kapag pinilit ko pa to.
Dahil unti-unti na kong kinakain ng selos ko, kahit wala naman akong karapatan.
Dahil alam ng nakakarami na kayo ang magkakatuluyan.
Dahil tadhana na ang gumagawa ng paraan para maghiwalay tayo.

Salamat sa pagpaparamdam kung pano ang magmahal.
Salamat sa pagpaparamdam kung pano ang masaktan.
Salamat sa pagpasok sa aking buhay.
Salamat sa pagpapakita na buhay pa pala ako at may karapatang makadama ng ganito.

Hindi ko man mapangako na kaya ko, pero pangako, pipilitin ko.


Pasensya na sa istorbo. Salamat. Paalam.

Monday, June 11, 2012

One Enchanting Day

April 19, 2012. Thursday. Sinama kami ng RCBC sa Enchanted Kingdom para magbenta ng ATM cards. May event ung isa nilang client kaya kami napunta dun. Naunang sabihan yung kagroup namin sa Makati Ave. Branch. Akala namin sila lang pupunta. Sinabihan ako na kasama kami nung Tuesday, napagtripan pa yung kasama ko at sabi hindi daw sya kasama, haha.

6AM pa lang nasa meeting place na kami, mga 8AM cguro kami nakaalis. Medyo hindi ko pa alam yung gagawin namin kasi, unlike yung ibang branch, hindi naman kami pinagbebenta sa office nun. Pero since kasama naman namin si Mam Jen, ok na, halos siya lahat nagsalita kami ni Vergel nag assist lang. Nung umaga puro lang kami kulitan at tawanan at kain. May mga nagbigay pa nga samin ng dagdag at libreng pagkain.

Nung bandang hapon na pumuslit kami ng isang ride, dinamay na namin sila Ayka at Krizia dahil nakasubong namin sila. Tapos nung mga 5PM na, it's official, pwede na kaming magrides. :)))

Kung saan2 kami napadpad at kahit hindi ako nagrides dun sa may mga tubig e pinagbabasa pa din ako ng magagaling kong kaibigan. Hahaha.

I hate water rides, lalo na ung may mga pataas. Dahil unang una, takot ako sa heights at pangalawa, takot ako sa tubig. Kaya feeling ko ang mga ganung rides ang ikakamatay ko. Swear. Buti na lang nung araw na yun eh may dalaw ako at yung ang naging excuse ko. ;p

Mga 8PM e napagod na din kami at after kumain, umuwi na. Nag commute lang kaming anim kasama si Mam na nakalimutan ko na ang pangalan at si Mam Jen na humiwalay naman agad samin dahil iba ang way nya. 11PM na'ko nakauwi sa bahay at feeling ko e magkakasakit ako. Pero it was all worth it. Kahit isang araw eh nag enjoy kami na magkakasama kaming anim. Na kinalimutan namin na nagtatrabaho pala kami nung mga panahong yun. :)



Salcedo Branch: Ako, Mam Jen and Vergel
PICTURES:


Sila na basang basa. :)
Gen, Che, Krizia, Emman, Ayka, Vergel. =)
With Sir Eric.
Vergel with Buendia Branch Boys: Emman and Gen






Our takas ride. :)





Thursday, March 22, 2012

Himig Kawayan again

Nung 3rd year high school ako may sinalihan ako na isang organization sa school namin. Himig Kawayan ang pangalan ng grupo. Ito yung mga studyante na tumutugtog ng mga intrumentong gawa sa kawayan. Tulad ng:
Angklung

Eto yung tinutugtog ko. Bawat isang nota ay nirerepresent ng isang angklung instrument.










Marimba
.
Eto naman wooden xylophone ang tawag namin. ;)







Meron pang isa boomboom ang tawag namin don. Hinihipan sya at katulad din ng angklung, isang ganon ay isang nota.

Palagi kaming tumutugtog dati nun. Kapag may darating na bisita, may mga seminars, mga program sa school at kahit mga quiz bee ay kami ang intermission number. Pero syempre, gumraduate din kami at natigil na sa pagtugtog.

Hanggang sa mabalitaan namin na may pakulo na concert ang Villamor at pinatutugtog ang mga alumni sa concert na yun. Sobrang nakaka excite kasi ang tagal na naming hindi nakakatugtog. At ako personally, excited ako kasi ang kasama kong tutugtog ay ang batch na ahead samin ng isang taon, batch nila Kuya, ang batch na para sa akin ay ang mga pinakamagagaling tumugtog ng angklung.

Sa ngayon ay nagpapractice pa din kami para sa 2-day performance namin at SANA hindi pa ito ang last na pagtugtog namin. :)



FACT: Hindi ka tunay na Himig Kawayan member kung wala kang kodigo na sinusulat sa maliit na papel na ididikit mo sa instrumento mo, o sa likod ng nasa harapan mo (kung nasa 2nd row ka) o di kaya naman sa buong braso mo hanggang sa palad mo. ;)


-CL

My weakness

Bata pa lang ako, mahiyain na talaga ko. Takot akong humarap at makipag usap sa mga tao kahit kakilala ko na sila. Palagi lang akong nagtatago sa nanay ko. Hindi ko alam pero nauubusan ako ng sasabihin kapag kinakausap ako ng mga tao.

Ang pinaka weakness ko ay ang pagharap sa tao sa pormal na paraan. Kaya nung nalaman ko na may interview ang papasukan namin sa OJT. Ay, halos tumalon na yung puso ko sa sobrang kaba.

Maaga akong nagising nung araw na yun, pero hindi ako kumain. Actually hindi talaga ko makakain kase feeling ko isusuka ko yung mga kakainin ko sa sobrang kaba. Nasayang pa nga yung tinimplang milo para sakin ni mama kase hindi ko din nainom.

First time ko din magbyahe mag-isa nun papuntang Ayala. Karaniwan kase kasama ko ang mga kagroup ko sa OJT. Thankfully, hindi naman ako naligaw. Maaga kong nakarating kesa sa pinagusapan na oras. Mga 15mins. earlier, dahil na rin sa sabi ng mga kagrupo ko na hindi ka pa nila i eentertain hangga't di pa 9am nag KFC na lang muna ko at nakiupo doon (nag order na lang ako ng dalawang brownies para hindi masyadong nakakahiya). Pagpasok ko sa building, wala pala kong ballpen buti na lang mababait yung mga guard at pinahiram nila ako.

Eto na, interview na, grabe sobrang kabado ako ng mga oras yun. Buti na lang mabait si Mam Joana at kahit anong isagot mo sa kaniya e tatanggapin nya. Matapos ang mga lima o anim na tanong SAWAKAS natapos din ang interview, Sinabi nya sakin na wala pa daw branch na available kaya tatawag na lang daw sya ulit. Medyo na disappoint ako nun kase akala ko matatapos na ko ng araw na yun. Buti na lang pagbigay nya sakin ng envelope, pinapunta na nya ko sa branch ko. Nakahanap din naman pala sya.

Ang babait ng mga nasa Salcedo Branch ng RCBC. Yung mga guard at mga empleyado. Pati ung Branch Manager nila. Sabi ni Mam Jen sa kaniya daw ako ma uunder kapag nag OJT ako dun. Sana magkasundo kami. Mukha naman kasi syang mabait.

Pinaakyat ulit ako sa HR at dun binigay na ang timecard ko kasama ng guidelines at ilan pang mga instruction. Finally, masasabi kong hired na ako. Tapos na ang problema ko sa paghahanap ng mapapasukan ko sa OJT. At higit sa lahat, nakayanan ko ang interview. 

Finally

Sa wakas. Tapos na ang mga problema ko regarding my studies. Finals, OJT, class cards. LAHAT. 

Ang tanging problema ko na lang ay kung pano pagsasabayin ang enrollment at isang gawain na gustong gusto kong gawin.

Matapos ang dalawang linggo kong paghihirap at unti-unting pagkamatay, feeling ko bigla akong nabuhay. lalo pa't nabalitaan kong makakatugtog ang mga alumni ng Himig Kawayan sa concert ng Villamor.

Dapat talaga palagi lang tayong nananalig kay God at naniniwala sa sarili natin. Kaya natin lahat. :)


-CL

Sunday, March 11, 2012

Stress relievers


"That awkward moment when you have to make up an excuse to not hang out with someone because you'd rather chill at home."

Sunday, January 29, 2012

She really is the best

Kahapon binilhan ko si Mama ng relo. Christmas gift. Dapat talaga e regalo ko yun sa birthday nya sa March, e nadulas ako at nasabi sa kanya. Ang gusto ko sana ay relo sa UniSilver kaso sabi nya ung mura na lang daw kaya tumingin kame sa Isettan Carriedo ng sale na relo. Nakapili na sya at ok lang naman  ang presyo. Edi medyo ok saken kase madami pang natira dun sa ipon ko para sa relo nya.

Tapos umakyat na kame sa area na pambabae. Mga damit, sapatos, bag at accessories. Binilhan nya ko ng dalawang blouse at belt. Tapos pinakain nya pa ko. Nung kwinenta ko sa isip ko. Mas mahal pa yung ginastos nya saken kesa sa binigay ko sa kanya. E wala namang dahilang para bilhan nya ko. Madami pa kong damit, may pagkain naman sa bahay, hindi ko naman talaga kailangan ng belt pamporma lang kumbaga. Pero wala akong nakitang alinlangan at panghihinayang sa pera nung binili nya yun.

Yung bigay ko sa kanya para sa espesyal na okasyon e katumbas lang ng mga bagay na binibili lang nya saken madalas. Tapos yung relo eh pinagmamalaki pa nya sa mga kapatid nya, na niregaluhan ko daw sya ng relo. Samantalang ako, kapag suot ko yung mga bigay nya ni wala akong pakialam kung san nanggaling.

Karamihan naman satin e palaging sinasabi na dabest ang mga nanay natin. NO DOUBT. Sila na talaga. At hinding hindi ko ipagpapalit ang Mama ko sa kahit ano at kahit na sino.

PS. Sa birthday mo, pipilitin kong bigyan ka ng isang box ng chocolates. Tapos hindi kita hahatian. :)

-CL

Saturday, January 28, 2012

Dalawang segundong pagtigil ng mundo

January 14, 2012. Fiesta. Alam ko masaya yung araw na yun. Kase sa lugar namin. Kahit dumaan na ang Pasko at Bagong Taon na parang normal na araw lang, ang Fiesta, hindi pwede. Maraming events. Parada. Prusisyon. Mga banda. Sayawan. Sarisaring videoke. Inuman. Fireworks. Kung ano-anong tinda. Basta masaya.

Pero hindi ko naman inaasahan na sa ibang kadahilanan ako magiging masaya (o naging masaya nga ba?).

Akala ko lilipas yung araw na iyon ng katulad sa mga nagdaang pista. Manood ng parada ng banda, tapos sa hapon yung parada ng mga sayaw. Sa gabi naman prusisyon ang aabangan. Hanggang sa nakita kita. Hindi ko na talaga inaasahang magkikita tayo ulit. Pinaguusapan ka pa nga namin ng bestfriend ko nung mga panahong yun, inaasar nya ko na kunwari andun ka at nag ha-hi sya sayo (kahit hindi naman talaga kayo magkakilala). Hindi na talaga ako umaasa. Hanggang sa tumigil yung sinasakyan mo sa harapan ko, kasabay nun e parang tumigil din ang oras. Pero sandali lang yun, kase natakot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya naglakad na lang ako palayo. Paglingon ko wala ka na. Hinanap ka namin. Binalikan. Pero wala na talaga.

Dun ko narealize na antanga ko. Chance yun. Pinalagpas ko. Buong araw kong dinala yun. Akala ng mga kapamilya ko e pagod o gutom lang ako. Hindi nila alam na abot langit ang panghihinayang ko.

Pero sa dalawang segundo (sa aking estima) na nakita kita, naging masaya ko dun. At least nakita pa din kita. Yun lang naman ang gusto ko. Salamat.

-CL